Leron Leron Sinta Lyrics

Isa sa mga Filipino Folk Songs ang Leron Leron Sinta. Siguro ako na marami ang nakakaalam nito sapagkat ito’y kinakanta natin nung bata pa tayo. Tara, at sabay sabay nating kantahin ito:

Leron Leron Sinta  Lyrics

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng,
Tayo’y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo’y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,

Ang ibigin ko’y
Lalaking matapang,
Ang baril nya’y pito,
Ang sundang nya’y siyam
Ang sundang nya’y siyam
Ang lalakarin nya’y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba

Narito ang iba pang mga Filipino Folk Songs: