Quotes about Life (Tagalog)

– Naghahanap ka ba ng motivation o di kaya’y quotes na paniguradong makakarelate ka. Kame ang bahala sayo! Ito ang listahan ng mga Tagalog quotes tungkol sa buhay na siguradong mapagkukunan mo ng inspirasyon sa buhay. Simulan na natin!

TAGALOG QUOTES TUNGKOL SA BUHAY

  1. Ako lang ang makakapagpabago sa buhay ko. Walang ibang makakagawa nito sa akin.
  2. Ang buhay ay parang pagbibisikleta. Kailangang sumulong upang mapanatili ang balanse.
  3. Walang gaanong kailangan para magkaroon ng masayang buhay; nasa loob mo ang lahat ng ito, sa iyong paraan ng pag-iisip.
  4. Pinagpala akong magkaroon ng napakaraming magandang bagay sa aking buhay – pamilya, mga kaibigan, at ang Diyos. Lahat sila ay nasa isip ko araw-araw.
  5. Kagustuhan ang pagiging masaya. Maaari mong piliing maging masaya. May mga magpapalungkot sa iyo sa buhay, pero nasa iyo kung magpapaapekto ka o hindi.
  6. Ang layunin ng buhay ng tao ay ang magsilbi, at ang magmalasakit at tumulong sa kapwa.
  7. Ngumiti sa harap ng salamin. Gawin mo ito tuwing umaga at mapapansin mo ang malaking pagbabago sa iyong buhay.
  8. Dahil sa ngiti mo, ginagawa mong mas maganda ang buhay.
  9. Hayaan mong bahagyang magsayaw ang buhay sa mga hangganan ng Panahon na parang hamog sa dulo ng dahon.
  10. Kinamuhian ko ang bawat minuto ng pagsasanay, ngunit sinabi ko, ‘Huwag kang sumuko. Tiisin ang hirap ngayon at mamuhay kang kampeon habambuhay.
  11. Ang pagsuko ang pinakamatindi nating kahinaan. Ang pinakatiyak na paraan upang magtagumpay ay ang sumubok nang isa pang beses.
  12. Ang buhay, simple lang, kailangan mo lang ng mga tamang desisyon upang matahak mo ang landas mo. Masisira lang ito kapag imbes utak mo nagdedesisyon, ay puso na ang nagbibigay direksyon.
  13. Mag-aral ka ng dalawapung taon, at sigurado, di ka maghihirap sa susunod na limampung taon at baka pati ang mga susunod pa sayo
  14. Nararapat lamang na mahalin ang tao at gamitin ang mga bagay, at wag na wag mong gagamitin ang tao dahil mahal mo ang mga bagay
  15. sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
  16. Wag kang mag-alala kung sa tingin mo maraming naninira sayo, isipin mo na lang na sadyang INGGIT lang sila sa kung anong narating mo.
  17. Walang mangyayari sa buhay natin kung papairalin ang hiya at takot sa paggawa ng mga bagay na kaya naman nating gawin.
  18. Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka USELESS ang tingin mo sa sarili mo, isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may mga masayang tao.
  19. Matuto kang PUMIKIT ng hindi MAINGGIT. Hindi yung lait ka ng lait.
  20. Kapag nadapa ka, Bumangon ka! Tandaan mo, May pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon, TAMA sila!