Sa araw na ito ating tatalakayin ang tungkol sa Buod ng Niyebeng Itim. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Ang kuwento ay nagsimula sa araw ng paparating na Bagong Taon. Magpapakuhang larawan ang pangunahing tauhan na si LI HUIQUAN. Kailangan niya ang apat na kopya lamang ngunit minabuti niyang magpagawa na ng labing lima. Gagamitin niya ito upang makakuha siya ng lisensya upang makapagtinda sa may bangketa sa tulong narin ng kanyang Tiya Luo, na tumulong sa kanya upang makausap ang mga opisyal ng gobyerno na namamahala sa pagtitinda. Dahil sa isang ulila na si LI kailangan niya angtulong ng ibang tao upang magkaroon siya ng pagkakakitaan. Alam ni LI na mas mabilis maitinda ang mga prutas at Malaki ang tutubuin dito, ngunit sa kasamaang palad naubusan na siya ng pwesto para dito. Sa halip, kumuha na lamang siya ng kariton para makapagtinda siya ng damit kahit ito ay segunda mano at di na maayos ang pagtakbo.
Marami naman paanyaya kay LI na mula sa mga kakilala at akaibigan niya na sa bahay na lang ng mga ito dapat siyang magpalipas ng Bagong Taon. Ngunit minarapat ni LI na salubungin na lang ang Bagong Taon na magisa. Matapos kumpunihin ang gulong ng nabiling kariton, nagsimula na siya sa pagtitinda kahit na matumal na matumal sa una. Kahit maraming kalaban sa negosyo, pinilit ni LI na makipagsapalaran. Naniniwala siyana tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Ang kuwentong ito ay nagsasaadng pakikibaka ni LI upang mabuhay ang sarili at maging produktibong miyembro nglipunan na hindi aasa sa iba, magpapalimos o mangaabala pa ng kapwa. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sino mang tao. Darating din ang oportunidad at walang sinoman ang malas sa lahat ng panahon.