Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa ampalaya. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Sarap na sarap sa paghahapunan ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik angulan at ang simoy ng amihan sa mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatidng nakapanghahalukipkip na lamig.
Sa liblib na baryong ito na lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis napagbabago ng mundo, ang munggong sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo ay langit nang masasabi.
“Heaven!”Ganyan nga ang sinabi ng kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilyade la Cruz at nakisalo ng munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindinakakatikim ng ganoong ulam.
Hindi iyon maunawaan nina Juan de la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nilaiyon. Pagkaing mahirap, wika nga. Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-latabilang kapalit sa munggo’t ampalaya.
Kaya’t sa tuwing ganito ang kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de laCruz sa alaalang ito.
Hagikgikan pa sila nang hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunansila. Hindi nila mapagtanto kung ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw saSuper Tiangge Mall ng mga kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap atbombilyang 10 watts lamang pero kayang ilawan ang isang malaking plasa.
Sapagkat, ni koryente o linya ng telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silangkoryente o linya ng telepono.
Nagkaroon kung sa nagkaroon ngunit pinutulan din ang buong baryo nang angkaramihan dito ay hindi nakayanang magbayad.
Gapok at nakahilig na ang mga poste ng koryente; at ang mga kawad aypinagkukuhana nila para gawing sampayan o panali ng kung ano-ano.
Gayon ding nakatiwangwang na ang butas-butas na mga solar panel na ikinabit noong bata pa si Juan. Donasyon iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang ago magpalit ang taon sa kalendaryo mula sa panimulang disinuwebe tungo sa dalawampu.
Tulong daw iyon upang hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubugang mga de-langis na plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sapapawirin ay siyang nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ngpagbabago ng klima at panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,at kainitang pati silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
Ngunit sa pagdalaw ng bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya namang pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong iyon ay sumasagi sakanya, bilang isang gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mgapagkain dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalangmga signos ng katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng milenyo.
Tuyo na rin at tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal aymakikita pa sa semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,kinatawan, bokal, at pangulo.
Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na pahina na siya na ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon
Kaya nga’t napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balitatungkol sa mabilis na pagbabago sa lunsod at sa ibang sulok ng daigdig.
Gaya ng iba pang produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwentaporsyento ang ibinaba ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon saumiiral na pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng karaniwang mamamayan.
Sa radyo niya narinig ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sapangekonomiyangkalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kanyang mgapananim. Kaya’t tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya,
pilit inuunawani Juan kung bakit umuunlad naman ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad naman ang Maynila ay lalo naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo
Kalabaw pa rin ang gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo naderobotna ang pagsasaka sa ibang bansa
Sinungaling marahil ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabing radyo dahil madalas maubusan siya ng baterya.
Pero sa radyo din niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ngbagong pangulo, isang child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit na nakilala sa halos makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rapeng kanyang lolo, ama, at mga tiyuhin.
Pararatingin daw niya ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sakaliblibliblibangsulok ng bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating childactress.
Kaya’t ganoon ngang umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba angkanilangmagagawa kundi ang umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
Ni hindi nga siya sumapi sa mga rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang nakikipaglaban ngunit hindi pa rin nagwawagi
Sa ilang pagbisita sa kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan atipinapaliwanag kung bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,diumano ay sanhi ng globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20siglo. At kaya nakalusot ang bagong kaayusang ito ay dahil sa imperyalistang hangarinng Estados Unidos, sa pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sapangunguna ng mga panginoong maylupa at komprador-burgesya.
Kung anuman ang pinagsasabi sa kanya ng mga taong labas ay hindi niya maunawaan; na ‘yon din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos atdating aktibista sa kanyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyonpa rin ang uri ng pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Pilipino.
“Sapagkat hindi po nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” angmariing ratrat ng batang gerilya.
“Ipasa-Diyos na lang natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sakanilang baryo.
“Magbabago para sa kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor,naanak ng dating meyor, na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor,na anak ng…
“Putris naman.” Ito ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan tuwing nauungkat saanumangpagkakataon ang kaunlaran sa lunsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
Hanggang sa natutunan na niya at ng kanyang pamilya na maghahagikhikan na langsa tuwing nauungkat ang mga ganitong kaunlaran.
Para lamang daw iyang LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa
sang estasyon ay makakarating ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang nang ikot at hindi nakakaabot sa kanayunan.
Mahigit limampung taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo; isangtunayna magsasakang nabubuhay kahit paano sa kanyang mga sinasaka, umaasa sa sarili at walang pineperwisyo.
‘Yan lang ang kanyang maipagyayabang, na binuhay niya ang kanyang pamilya,walang-wala man sila. Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kanyang ama, kahitwalang-wala mandin sila.
Kaya’t nakakahimlay siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayonghalumigmig ang hangin na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong mayampalaya na hinapunan nila kanina.
At sila’y natulog nang mahimbing.