Sa araw na ito ating tatalakayin ang munting ibon. Tara at sabay sabay tayong matuto.
Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Silasina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawaang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa madaling araw. Isang gabi, laking gulat ni Lokes a Mama, nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ay nakahuling isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ngisang napakalaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa.
“Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a mama nasobrang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.
Umuwi si Lokes a mama na sobrang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isangpanloloko ito sa kanyang asawa. Kinabukasan… Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita angmatabang using nakasabit sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang kanyang bitagna nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Iniuwi niya (Lokes a Babay) angmunting ibon at inilagay ito sa isang hawla. Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama angkanyang huli at saka iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa
subalit nang handa na’y agad itong nilantak
an ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyangasawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito
ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.
Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang asawa. Muli, naglagayang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babayat dahil hindi man lang siya tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang kanyangbitag sa tabi ng puno na kung saan siya dating naglalagay.
Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog. Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa. Nagising na lang siya dahil tinatawagna pala siya ni Lokes a Mama para tingnan ang kanilang mga bitag .Subalit wala na siyang interes sa bitag. Sanay na siya (Lokes a Babay) sa pagiging tuso at madamot ng kanyang asawa.
Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya naramdamang na mahal siya nito.Pagkaalis ng kanyang asawa ay kaagad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon. Kumuha siya ng palayat ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante.
Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin” sabi nito. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang ligaw na pato.
“Payag na ako ngayon sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na sabi ni Lokes a Babay. Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.
Samantala si Lokes a Babay… naging maayos at masagana ang kanyang pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes aMama ang nagiging napakagangdang kalagayan sa buhay ng kanyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano. Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man langsa kanyang magarang tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya angasawa. At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang maligaya, masagana, at payapa.”