-Sa paksang ito, ating pag uusapan kung ano nga ba ang Anapora at ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t palawakin natin ang ating kaisipan ukol sa paksang ito.
Ano nga ba ang Anapora?
– Ito ay ay isang pares ng pangungusap o isang pangungusap na kung saan ang mga tinutukoy ay nasa unahan, samantalang ang larawan sa tinutukoy ay nasa hulihan.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
– Sa pangungusap na ito, Si “Jose Rizal” ang tinutukoy at ang nasa hulihan na “matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino ay ang larawan kay Jose Rizal.
Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro.
– Sa pangungusap na ito, Sina Jared at Jake ang tinutukoy na nangunguna sa klase at mahilig magbasa ng libro.
Si Maria ay napakaganda. Yun nga lang, napakasungit niya.
– Sa pangungusap na ito, Si Maria ang tinutkoy na napakaganda ngunit napakasungit.