Sa araw n ito ating tatalakayin ang batik ng buwan. Tara at sabay sabay tayong matuto. Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gustong araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mgaito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit.Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan angmga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood angmga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis nahindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nangmadikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya’t hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo’y sinumabatan niya ang asawa. “Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay ng sagot ang buwan.
Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwanang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.