– Sa paksang ito, ating matutungahyan ang kwento ni Mabuti at ang aral na mapupulot natin sa kwentong ito. Tara na’t sabay sabay nating basahin at alamin!
ANG KWENTO NI MABUTI
Si Mabuti ay isang ordinaryong guro lamang, pero siya ay tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante dahil palagi itong bukambibig. Pero, kahit na sa labas ay malakas siya at parang walang problema, malaki pala ang hinaharap nito.
Isang araw, pumunta si Mabuti sa silid arala niya para umiyak dahil sa bigat ng kanyang problema. Siya ay nakita ng kanyang estudyanteng si Fe. Sila ay nag kwentuhan at doon ni Fe na laman ang totoong nangyayari sa guro niyang si Mabuti.
Pareho lamang na may problema ang dalawa, ngunit, nag kataon lamang na mas mabigat ang napagdadaan ng kanyang guro, Madalas na ikinikwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na gusto niyang bigyan ng maayos na buhay at nais niya itong matulad sa kanyang ama na isang manggagamot.
Pero, matapos ang ilang araw, nabawian ng buhay ang asawa nito at dito niyang nalaman na hindi pala siya ang unang asawa ng mangagamot. Pero naunawaan naman niya ang sitwasyong ito. Kaya naman, napagisipan niya na lamang na umiyak sa silid aralan.
Sa paglipas ng panahon, hindi pa rin malilumutan ni Fe ang larawan ng kaniyang guro. Kahit na lumipas na ang mga taon, nananatili sa kaniyang puso ang mga payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturing niyang isang inspirasyon.
Ano nga ba ang aral na makukuha natin sa kwentong ito?
– Ang makukuha nating aral sa kwentong ito ay ang pagiging mabuti sa kahit ano mang sitwasyon na pinagdadaanan ng bawat tao. Lahat ng tao ay may problema, pero, hindi ito nagiging dahilan upang sumuko. Walang problema ang pagkadapa, pero kailangan nating bumangon ulit katulad ni Mabuti.