Sa araw na ito ating tatalakayin ang Buod ng Thor at Loki. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Napagapasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos sa Norse. Kinaumagahan sila ay naglakbay sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing at nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalawang kambing at pinagsaluhan ito. Kinabukasan, aalis na sila Thor, binentidahan ni Thor ang kambing at nung nakita niya na bali ang isang paa sa likod ng kambing nagalit ito. Natakot ang pamilya ng magsasaka kaya’t handang ibigay lahat ng magsasaka kung ano ang gusto ni Thor kaya’t sa huli sina Thjalfi at Roskva ang anak ng magsasaka ay naging alipin niya pagkatapos. Naglakbay sila hanggang sa makita nila ang natutulog na si Skymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan. Sa tuwing umiinit ang ulo ni Thor at habang si Skymir ay natutulog, kinukuha niya ang kanyang maso at pinupokpok niya ito sa kanyang ulo nito upang siya ay magising.
Dinala ni Skrymir sina Thor kay Utgaro- Loki ang hari ng mga higante. Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor. Sa unang paligsahan, sina Loki at Logi, sila ay nagpaligsahan sa pabilisan ng pagkain ngunit natalo si loki dahil may natirang buto sa kaniyang pagkain sapagkat kay logi naman ay simot na simot ang kaniyang pagkain, sa pangalawang paligsahan lumahok si Thjalfi sa pabilisan tumakbo ngunit natalo ulit ito dahil hindi niya mahuli si logi. Sa sumunod na paligsahan ay lumahok si thor sa pabilisan uminom ngunit talo ulit ito dahil hindi nababawasan ang tambuli kahit nakakailang lagok na siya. Sa kasamaang palad ay natalo sila Thor sa lahat ng paligsahan na kanilang sinalihan. Ngunit ang totoo nito ay nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki sa kaniyang mahika dahil walang kapantay ang lakas at ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kaniya. Inamin niya ito nung paalis na sila Thor. Nang matapos na ang paligsahan ay umalis na sila thor at ipinag patuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Throuvangar, ang mundo ng mga diyos.