Idyoma

-Sa paksang ito ating matutuklasan kung ano nga ba ang Idyoma at para higit na maintindihan ito ay may nakalaang mga halimbawa upang mas madaling maunawaan ang nasabing paksa. Handa ka na ba? Tara at simulan na natin ito.

Ano nga ba ang Idyoma?

– Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.

Halimbawa:

ilaw ng tahanan – ina

haligi ng tahanan – ama

Balat- sibuyas – mabilis masaktan

Usad pagong – mabagal kumilos

Ibaon sa hukay – kalimutan

Pagsunog ng kilay – pag aaral ng mabuti

Nakalutang sa ulap – sobrang saya

Maitim ang budhi – masama

Malaki ang ulo – mayabang

Bukas ang palad – matulungin