-Ang komunikasyon ay napakahalaga na aspeto saating mga tao. Ito ay isa sa mga paraan para kumunekta at maintidihan ang isa’t isa. Sa paksang ito ay matutuklasan natin kung ano nga ba ang komunikasyon at ang kahalagahan nito saating lahat. Tara na’t tayo ay magsimula.
Ano nga ba ang Komunikasyon?
-Ang komunikasyon ay isang bagay na labis na kailangan ng tao upang maging ganap ang kanyang buhay sa mundo. Ito ay sa paraan ng pakikipag usap, paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga tao. Sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang kahalagahan ng buhay at nailalabas niya ang kanyang saloobin ukol sa isang isyu.
Bakit ba ito mahalaga?
Ito ang mga dahilan:
- Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
- Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
- Ito ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan.
- Sa pamamagitan ng komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay.
- Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.
- Isa itong paraan upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng ibang tao.
- Upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan.