Kasabihan

Sa paksang ito ay tatalakayin natin ang kahulugan ng kasabihan at ilan sa mga halimbawa nito.

Ano nga ba ang Kasabihan?

– Ito ay isang maiiksing pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan sa pamamagitan ng patula o tuluyan, may himig na pagbibiro o panunukso sa unang panahon.

Halimbawa:

  • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan
  • Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat
  • Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay
  • Ang totoong matapang, nag iisip muna bago lumaban
  • Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang
  • Titingkad ang iyong kagandahan kung maganda ang iyong kalooban
  • Ang taong walang tiyaga ay walang yaman na mapapala
  • Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit
  • Nasa dyos ang awa, nasa tao ang gawa
  • Kung ano ang puno, siya ring bunga

Comments are closed.