Kasingkahulugan

– Sa paksang ito ay matutunan natin kung ano nga ba itong kasingkahulugan at upang mas maunawaan natin ito ay mayroon ring kaakibat na mga halimbawa na puwedeng maging basehan upang mas madali natin itong maintindihan. Tara? Simulan na natin.

Ano nga ba ang Kasingkahulugan?

-Sa pinaka simpleng explanation, ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.

Halimbawa:

Mabuti = Maayos

Busilak = Malinis

Dala = Bitbit

Tama = Wasto

Munti = Maliit

Nasisiyahan = Natutuwa

Panganib = Kapahamakan

Pag ibig = Pagmamahal

Dangal = Puri

Armas = Sandata