Kawikaan

– Sa paksang ito, matutunan natin kung ano nga ba ang kawikaan at mga halimbawa nito. Handa na ba kayong matuto at palawakin ang inyong kaisipan ukol sa paksang ito? Tara! Simulan na natin.

Ano nga ba ang Kawikaan?

-Ang kawikaan o “proverbs” sa Ingles ay grupo ng mga salita na naglalayon na magbigay ng gabay sa mga tao na maari nilang gamitin sa kanilang buhay.

Halimbawa:

1.”Siyang lumalakad na kasama ng marunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” – Kawikaan 13:20

Kahulugan: Maging mapili sa mga taong sinasamahan mo dahil malaki ang magiging papel nila sa katayuan ng iyong buhay sa kinabukasan.

2. “Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na” – Kawikaan 17:14

KAHULUGAN: Ito’y nagsasabi na dapat iwasan ang pagtatalo upang hindi tayo mapahamak at madapuan ng gulo. At kapag nabasa ka na ay baka mahirap na itong patuyuin, na sa diwa ay magiging matindi ang pag-aaway kapag napukaw sa galit ang isa’t isa.