Sa araw na ito ating alamin ang kwentong pambata na may pakpak ang tsinelas ni Makki. Tara at sabay sabay tayong matuto. Dahan-dahang idinilat ni Inang Araw ang kaniyang mga mata. Isa-isang iniunat ang kaniyang mga kamay at tila gintong gumuhit sa langit pababa sa lupa. Tumama ang dalang liwanag nito sa isa sa mga bubong ng maraming kabahayan. Pasikat na ang araw sa Barangay Bahain.
Mayroong isang munting aninong gumagalaw sa loob ng isa sa mga bahay. Tumayo ang anino at nilapitan ang umaandar na bentilador. Pinindot ang isang buton at bumagal ang takbo ng elisi hanggang sa tuluyan itong huminto. Yumuko ang anino na parang may inabot sa gawing ibaba ng dingding, binunot niya ang kableng bentilador mula sa saksakan. Sa kaniyang pagtayo, nahagip ni Inang Arawang kaniyang mukha sa pagitan ng mga nakasarang bintana.
Siya si Makki. Bilugan ang mukha, kulot ang buhok, at halatang bilad sa arawang kulay ng balat. Tuluyan nang binuksan ni Makki ang kahoy na bintana kaya malayang nakapasok ang lahat ng sinag ni Inang Araw sa buong silid. Nakatanaw si Makki sa labas ng bintana. Sandali siyang pumikit. Tila hinaplos ni Inang araw ang kaniyang kulot na buhok. Huminga siya nang malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Sa pagdilat ng mga mata ni Makki, tumingala siya sa langit. Ngumiti siya sa puting ulap na animo’y hugis mukha. Umaga na.
Kinuha ni Makki mula sa higaan ang kaniyang kumot na ginamit sa pagtulog. Pinagpag, tinupi at saka iniligay sa ibabaw ng kaniyang unan. Tulog pa ang kaniyangdalawang kapatid. Dahan-dahan siyang humakbang nang hindi niya maapakan ang sinuman sa dalawang nakahiga sa banig na nakalatag sa sahig. Galing sa kuwarto,nagpunta siya sa kusina. “O, gising ka na pala,” bati ng kaniyang ina habang hinahalo ang sinangag sa kawali at nagpapakulo ng salabat sa palayok. “Mag-igib ka ng tubig,”inginuso ang berdeng timba sa panganay na anak. “Opo” kaagad na sagot ni Makki. Kinuha niya ang timba sa loob ng banyo at naghandang lumabas sa pinto. Sinuot ang kaniyang karaniwang gomang tsinelas.
Lumabas sa bahay si Makki. Bitbit sa kanang kamay ang berdeng timba at nasaloob nito ang pulang tabo. Naglakad siya papunta sa igiban ng tubig. Sa bawat pagtapak sa lupa, may bahagyang liwanag na lumalabas sa gilid ng kaniyang gomang tsinelas. Hindi niya napansin ang maliit na bagay na unti-unting lumalabas sa magkabilang gilid ng kaniyang tsinelas. Patuloy siya sa paglakad na bitbit ang timbang may umaalog na tabo sa loob. Habang naglalakad, sandali siyang pumikit para huminga nang malalim. Gusto niyang langhapin nang husto ang hanginng umagang iyon. Ngunit pagdilat ng kaniyang mga mata, laking gulat ni Makki!
Nasasalubong niya ang mga ulap! Nasaan siya? Kinabahan si Makki. Tumakbosiya nang mabilis, sobrang bilis, napakabilis! “Sandali, parang hindi karaniwan,”bulong niya sa sarili. Nagtataka siya kung bakit napakabilis niyang tumakbo, yumuko siya at nakita niyang tumatakbo siya sa hangin, may pakpak ang kaniyang tsinelas! Nanlaki ang mga mata ni Makki sa kaniyang nakita. Hindi siya makapaniwala. Kinusot ang kaniyang mga mata, “Nanaginip ba ako? Totoo bang lumilipad ako sa hangin?Bakit may mga pakpak ang aking tsinelas? Madyik ba ito o naengkanto ako?!” Dahilsa magkahalong tuwa, kaba, at takot, nawalan siya ng malay. Biglang hinimataysi Makki.
Huminto ang kaniyang mga paa sa pagtakbo kaya nagsimula siyang bumulusok sa lupa! Nawalan ng malay si Makki. Tumutulo ang pawis ng mga munting pakpak ng kaniyang tsinelas sa sunud-sunod na pagkampay. Patuloy ang kanilang pagbulusok, mabilis! Sobrang bilis! Nanlaki ang mata ng mga pakpak ng tsinelas ni Makki. Ano ang mangyayari sa kanila? Mula sa himpapawid, mayroong malaking sinag na hugis kamay na sumalo kay Makki. Tuwang-tuwa ang mga pakpak ng kaniyang tsinelas. Nagpalakpakan ang mga ito. Nakaligtas sila!
Pagkalipas ng ilang minuto, nagising din si Makki. Napansin niyang nakahiga siya sa malambot na ulap. Mayroong lalaki at babaeng nakaupo malapit sa kaniya at sadyang naghihintay na magising siya. Dali-dali siyang bumangon. Kaagad nagtanong, “Sino kayo?” Ngumiti ang babae at sinenyasan si Makki na muling maupo sa malambot na ulap. “Makki, huwag kang matakot. Ako si Inang Araw.”Kinakabahang nagtanong si Makki, “Kilala mo ako? Nasaan ako? Nanaginip ba ako?”“Oo, kilala ka namin. Ikaw ang batang laging ngumingiti tuwing umaga. Ginagawa mo ito kapag binubuksan mo ang bintana ng inyong silid,” nakangiting sabi ni Amang Langit. “ Narito ka sa pamayanan ng Kali-Kassan. Kailangan namin ng tulong mo.
Nasa panganib ang aming anak na si Laking Tubig. Pinahihirapan siya at ikinulong ng mga kapwa mo tao. Kapag hindi siya makababalik sa Kali-Kassan sa lalong madaling panahon, patuloy siyang mananakit at mamiminsala sa inyong mundo,”paliwanag ni Amang Langit. “Maaari mo ba kaming tulungan?” pakiusap ni InangAraw. Natigilan si Makki sa narinig kina Inang Araw at Amang Langit, hindi niyasukat akalaing ikinulong ng mga tao si Laking Tubig.
Tumayo si Amang Langit at tumanaw sa lupa, “Makki, kailangan mong ituro kay Laking Tubig ang daan pabalik sa Kali-Kassan. Tanggalin mo ang mga basurang bumabara sa kanal upang kusa siyang umagos. Hukayin mo ang lupa kung saan nakatayo ang higanteng rehas upang makalabas si Laking Tubig sa ilog Napin. Kailangang makarating sa dagat ang aming anak dahil naroon ang hagdan paakyat sa langit. Sabik nang makauwi si Laking Tubig sa aming tahanan. Iyon lamang ang paraan upang muli siyang maging masaya.”
“Ngunit bata lamang ako, paano ko po matutulungan ang inyong anak nasi Laking Tubig?” tanong ni Makki sa mag-asawa. Itinuro ni Inang Araw ang gomang tsinelas na suot ni Makki at sabay nagpaliwanag, “Ipinahiram namin sa iyo sina Munting Pakpak upang samahan kang makarating nang mabilis sa iba’t ibang lugar.Hanapin mo ang aming anak sa inyong mundo.” Tumingin si Makki sa mga pakpak ng kaniyang tsinelas, abot-tenga ang ngiti ng mga ito sa kaniya. Nakinig nang mabuti si Makki sa paliwanag nina Inang Araw at Amang Langit. Pagkatapos, tumayo siya at kinuha ang berdeng timba na may pulang tabo sa loob. Kinindatan ang mga pakpak ng kaniyang tsinelas. Sa isang iglap, lumipad si Makki sa hangin pabalik sa Barangay Bahain.
Malayo pa, naririnig na niya ang sigaw ng mga tao, “Tulooong! Tulooong!”.Umapaw ang tubig sa mga kalsada at bumaha sa mga kabahayan. Natanaw niya ang anak nina Inang Araw at Amang Langit. Totoong nakapipinsala si Laking Tubig sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi niya ito sinasadya, hinahanap lamang niyaang daan pauwi sa Kali-Kassan.
Naliligaw si Laking Tubig. Hindi siya makaagos sanhi ng baradong mga kanal. Maraming basura mula sa mga bahay, sa tindahan, at sa pagawaan. Mabilis na kumilos si Makki. Ginamit niya ang timba at tabo upang tanggalin ang mga basura sa estero. Dahil dito, umiwas sa kalsada si Laking Tubig at kusa nang umagos sa mga kanal. Tuwang-tuwa si Makki! Pumalakpak ang mga pakpak ng kaniyang tsinelas. Sinundan ni Makki si Laking Tubig dahil nagmamadali na itong makauwi. Palaki nang palaki ang hakbang ni Laking Tubig subalit bigla itong huminto. Mayroong malaking hadlang sa daluyan ng kaniyang tubig. Pinipigilan siyang higanteng rehas na makalabas sa ilog Napin. Pinilit makatakas ni Laking Tubig kayai tinaas nito ang kaniyang kamay.
Umapaw ang tubig at bumaha sa pamayanan. Maraming bahay ang unti-unting lumulubog at maraming tao ang malulunod. Dali-daling kumilos si Makki. Sumisid siya sa ilalim ng tubig. Ginamit niyaang tabo at timba, hinukay niya ang lupa sa lugar kung saan nakatayo ang higanteng rehas. Sa tulong ni Makki, nagkaroon ng daluyan si Laking Tubig at kusang umagospatungo sa ilog Napin. Sa wakas, nakarating si Laking Tubig sa dagat at sabik na umakyat sa ulap. Pagdating sa kanilang tahanan, masaya siyang sinalubongng kaniyang mga magulang na sina Inang Araw at Amang Langit.
“Natulungan ko na pong makauwi si Laking Tubig. Isinasauli ko na po ang mga pakpak ng aking tsinelas,” pahayag ni Makki. Ngumiting nagsalita sina Inang Arawat Amang Langit, “Hindi mo lubusang naiintindihan, Makki.” Napakamot ng ulo si Makki, “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Hinawakan ng mag-asawa si Makki sa magkabilang balikat. Naglakad sila ng ilang hakbang malapit sa gilid ng ulap. Paliwanag ni Amang Langit, “Makki, pagmasdan mo ang magandang mundo ng mgatao. Paboritong lugar iyan ni Laking Tubig.
Bumababa siya mula sa ulap upang maglakbay sa lupa. Kailangan niya ng kaibigang tulad mo.” Nakangiting dugtong ni Inang Araw, “Ikaw ay isang batang may malasakit. Handang tumulong sa aming anak. Libangan ni Laking Tubig ang mamasyal sa inyong mundo, lumangoy sa dagat,umakyat sa ulap at muling maglakbay sa inyong pamayanan.” Tinapik ni Amang Langit si Makki sa balikat, “Dahil tinulungan mo ang aming anak na si Laking Tubig,magiging kaibigan mo habambuhay ang mga pakpak ng iyong tsinelas.
Gamitin mo itoupang tulungan si Laking Tubig na makaagos sa mga kanal. Malayang makapasyalang aming anak sa ilog. Nais naming makabalik siya sa dagat at muling umakyat sa ulap pauwi sa Kali-Kassan. Tanggapin mo ang mga tsinelas na may pakpak. Regalo namin ito tanda ng iyong munting kabayanihan.” Binasbasan nina Inang Araw at Amang Langit ang batang Pilipinong tumulong sa kanilang anak na si Laking Tubig. Masayang lumipad si Makki pabalik sa mundo ng mga tao. Alam na niya ngayon kung bakit nagkaroon ng pakpak ang kaniyang mga tsinelas.