Sa araw na ito ating alamin ang talumpati tungkol sa edukasyon. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Sa mga panauhin at sa aking mga kaklase na mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Samal National HighSchool, isang magandang hapon sa inyong lahat. Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok natin dito sa atingsilid- aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba ang kahalagahan ng pagpasokko sa skwela?”
Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang.
Kaya ngameron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”.
Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang para sa atin pero kundipati na rin sa ating bayan. Naalala ko pa noong nabasa ko sa isang artikulo sa internet na nakapanliit sabayan natin, ipinuna sa isang international television program ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.Para sa akin, bakit tayo nagpapaapi sa iba na hindi natin kalahi? Hindi natin dapat ipinagsasa-walangbahala ang tulad nito.
Dapat natin ipakita sa kanila na mali sila sa inaakala nila, na kaya natin umangat.Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda.
Hindi natin maiiwasan namaharap sa mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo anggumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan angpagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Sa kanya, lahat ng bagay ay posible.Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang angnatatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.
Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran ang kontribusyonnito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin namagpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya