Tambalang Salita

– Sa paksang ito, ating pag aaralan kung ano nga ba ang tambalang salita, uri at mga halimbawa nito. Tara na’t ating pag aralan ito upang mas malalim ang ating pang unawa at pagkakaintindi sa paksang ito. Tara na! Simulan na natin.

Ano nga ba ang Tambalang Salita?

-Ang Tambalang Salita ay isang paraan upang makabuo ng bagong salita. Ito rin ay ang pagsasama ng dalawang uri ng magkaibang payak na salita upang makabuo ng bagong salita na may bagong kahulugan. Ang ilan sa tambalang salita ay isinusulat sa pamamagitan ng gitling sa pagitan ng dalawang salitang ipinagtatambal.

URI NG TAMBALANG SALITA

1. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan

Halimbawa:

Abot-kamay

Tawid-dagat

Tubig-alat

2. Tambalang salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng dalawang salita na pinagtatambal

Halimbawa:

Bahay-bata

Abot-agaw

Hanapbuhay