Ano nga ba ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas? Ating alamin sa artikulong ito.
Ang Laguna de Bay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at ito rin ang pangatlo sa pinakamalaking lawang tubig-tabáng sa Timog-Silangang Asya. Ito ay may lawak na 900 km2 kung ito ay nasa katamtaman na pinakatugatog na 12.50 meters, at nasa 76,000 hectares kung nasa kaibabahan ng 10.50 meters.
Ito ay pinaniniwalaang nabuo matapos ang dalawang malakas na pagsabog ng bulkan libong taon na ang nakaraan. Matatagpuan ang isang mababaw na crater sa dulong timog ng Talim Island na nagsisilbing ebidensya ng volcanic activity sa lugar. Ito ang Laguna Caldera na nasa gitnang bahagi ng lawa. Ito’y hugis-itlog at may 10-20 kilometro ang lapad. Mayroon itong taas na 743 meters o 2,438 talampakan. Ang caldera ay volcanic crater na nabubuo oras na mag-collapse ang isang bulkan. May tiyorya ang mga eksperto na ang Laguna de Bay ay bahagi dati ng Manila Bay pero nahiwalay nang humupa ang pagsabog ng bulkan.
Nasa 100 ilog at daluyan ang pumupunta sa lawa, at 22 dito ay mahalaga sa sistema ng ilog. May iisang lagusan ang Napindan Channel, dadaan sa Pasig River at dumadaloy sa Manila Bay.