Balangkas

-Sa paksang ito, matutunan natin kung ano nga ba ang balangkas, bahagi nito at ilan sa mga halimbawa upang mas maintindihan natin ang konteksto ng paksang ito. Sana ay may makukuha kayong aral at huwag kakalimutang ibahagi rin ito sa inyong mga kaibigan at kaklase upang may mapulot rin silang aral.

Ano nga ba ang Balangkas?

– Ang balangkas o tinatawag na “outline” sa ingles ay ang kalipunan ng mga salita at pangungusap na nagtataglay ng pagkakasunod-sunod ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa. Ito ay ginagamit upang mabigyan ng tamang kaayusan ang mahahalagang bahagi ng isang sulatin o kwento.

3 BAHAGI NG BALANGKAS

1.Pamaksang Balangkas (topic outline)

-Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag.

2. Pangungusap na Balangkas (sentence outline)

-Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.

3. Patalatang Balangkas (paragraph outline)

-Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

Halimbawa:

Balangkas #1

I. Pamagat: Ang Leon at ang Lamok

II. Mga tauhan: leon, lamok, gagamba, iba pang mga hayop

III. Tagpuan: Kagubatan

IV. Galaw ng pangyayari:

A. Pangunahing Pangyayari: Sa isang kagubatan ay naninirahan ang mga hayop. Magkakasundo at mabuti ang mga hayop sa isa’t isa hanggang sa may dumating na isang mayabang na lamok.

B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari: Hinamon ng lamok ang leon dahil naniniwala ang lamok na siya ang pinakamalakas sa kagubatan.

C. Karurukan o Kasukdulan:Naglaban ang leon at lamok ngunit hindi siya matamaan ng leon dahil sa liit niya.

D. Wakas: Kinain ng gagamba ang lamok at nanumbalik sa dati ang kagubatan.

Balangkas #2

I. Pamagat: Dumating si Kuting

II. Mga Tauhan: Kuting, Matsing, at PagongIII.

III. Tagpuan: Bahay

IV. Galaw ng Pangyayari:

A. Pangunahing Pangyayari: Nalungkot sina Matsing at Pagong dahil hindi na ibibigay sa kanila ang hiniling nilang kuting.

B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari: May narinig silang umiiyak sa labas ng kanilang bahay.

C. Karurukan o Kasukdulan: Nakita nila na mayroong grupo ng mga bata na nagpapaalis sa isang kuting.

D. Wakas: Naging parte na ng kanilang pamilya si Kuting

Comments are closed.