Alamat

ANO ANG ALAMAT?

Ang alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang kuwentong maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob sa isang alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga ninuno.

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa bandang huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.

3 BAHAGI NG ALAMAT

PANIMULA-  Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

 KATAWAN-  Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

KONKLUSYON-Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.

Halimbawa ng Alamat

Ang Alamat Ng Saging

Sa isang malayong lugar ay my dalawang mag kasintahan na tunay na nag iibigan sila si Aging at Juana ngunit sa kabila nito ay tutol ang magulang ni Juana na si mang Juan, kayat lihim lamang siyang nakiki pag tagpo ky Aging.

Ngunit minsang nakipag tagpo siya ky Aging ay nasundan siya ni mang juan kayat ng makita ni mang Juan ay nag siklab siya sa galit, at bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran at sinugod ni mang Juan si Aging at sa pagka bigla ay hindi agd na gawang umiwas ni aging kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni aging at naputol.

Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo siya papalayo sa mag amang Juana, at labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pang yayari ngtunit ala na siyang magagawa dahil ala na si aging. Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.

At sa paglipas ng mga araw ay wala parin si Aging ni wala na siyang balita kung ano na ang nangyari ky aging, subalit sa pag labas ni mang Juan sa kanilang bahay ay napansin niya ang isang uri ng halaman  na noon lamang niya nakitya kayat dali daliniyang tinawag si juanana at itinanong kung uri ba ng halam iyon.

At Laking gulat ni Juana nang makita niya ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinag libingan niya ng braso ni Aging tumubo ang halaman.

At itoy kulay luntian, my mahahaba at malalapad na dahon, my bunga itong kulay dilaw na animo’y isang kamay na my daliri ng tao. Kayat naalala nanaman niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At sinabi niya na iyan si aging,  kaya mula noon ay aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay nabago na ang Aging at itoy naging Saging.

ALAMAT NG AMPALAYA

Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at si patolan na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at  ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang  mga gulay na kanyang ninakawan at kanilang sinundan ang gulay na may gandang kakaiba at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga katangian na kanilang taglay, at laking gulat nila ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, sinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya.  Dahil dito, nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay kanyang ibinalik dito at laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat nya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang dinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim. Mula noon magpahanggang ngayon ang luntiang gulay na si Ampalaya ay hindi pa rin magustuhan dahil sa pait niyang lasa.

ALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

“ANG ALAMAT NG KASOY”

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.

Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.

“Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan” ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narinig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. “Sino kaya iyon?”, ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. “Para na ninyong awa mahal na engkantada, ” pakiusap ng kasoy. “Gusto ko pong lumabas”. Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.

Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. “Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan,” pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.

Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.

Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. “Ito`y isang aral sa iyo,” ang sabi ng engkantada. “Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin.” Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.

Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

Comments are closed.