-Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang Tulang Panudyo at ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’at alamin natin upang mapagkunan natin ito ng aral.
Ano nga ba ang Tulang Panudyo?
-Ang tulang Panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na may layunin na uyamin o manudyo. Ito rin kayarian na may sukat at tugma. Dito ay pinapapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.
Halimbawa:
1. Batang makulit
Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit
2. Kotseng kakalog kalog
Sindihin ang posporo
Sa ilog ilubog
3. Bata Batuta
Isang pera, isang muta
4. Tatay mong bulutong
Puwede nang igatong
Nanay mong maganda
Pwede mong ibenta
5. Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi