Kaluwagang Palad

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang tungkol sa Kaluwagang Palad. Upang mas maintindihan ito, babasahin din natin ang ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t ating simulan!

Ano nga ba ito?

– Ang Kaluwagang Palad o sa Ingles, ito ay tinatawag na “helping hand” ay ang pagiging matulungin sa kapwa. Ito ay isang ring halimbawa ng matalinhagang salita. Katulad lamang ng mga idyoma, ang mga tunay na kahulugan ng mga salitang ito ay makikita lamang sa likod ng mga salita.

Halimbawa:

  • Sa gitna ng Pandemya, hindi ito naging hadlang upang ang pamilya ni Anthony ay mag abot ng tulong lalo na sa ating mahihirap na kababayan
  • Laging nagbibigay si Tes ng pagkain sa kanyang kaklaseng walang baon tuwing tanghalian sa paaralan
  • Laging sinisigurado ni Jen na pagkauwi niya galing paaralan ay tumutulong siya sa gawaing bahay upang hindi mahirapan ang kanyang nanay