– Sa paksang ito, ating alamin ang pagkakaiba ng Gni at Gdp. Atin nang palawakin ang ating mga kaisipan ukol sa paksang ito. Tara na’t ating simulan!
Bago natin alamin ang pagkakaiba nito, atin munang balikan ang kahulugan ng dalawang ito.
Ano nga ba ang Gni?
– Ang GNI o tinatawag na Gross National Income ay ang kabuuang kinita ng mga tao at mga negosyo sa isang bansya. Ito ay sukat ng yaman ng isang bansa. Ginagamit din ito upang baybayin kung gaano na kaunlad ang isang bansa sa pagdaan ng mga taon.
Ano nga ba ang Gdp?
– Ang GDP o tinatawag na Gross domestic product ay tumutukoy sa market value ng lahat ng tapos na mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng hangganan ng isang bansa sa isang tiyak na panahon. Ito ay ang mga produktong tinutukoy dito ay ang mga ginawa o nilikha sa loob ng bansa gayundin ang mga inilaan para sa mga nakatira at nasasakupan sa isang pamahalaan.
Ano nga ba ang kanilang pagkakaiba?
– Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang kita o halaga ng mga serbisyo at produkto nalikha ng isang bansa, kabilang ang likha ng mga dayuhang nasa bansa. Sa madaling sabi, anumang produkto o serbisyo na nilikha sa loob ng bansa, sinuman ang gumawa nito ay kasama sa GDP.
Ang GNI naman ay sumasaklaw sa mga produkto at serbisyong nalikha ng mga mamamayan ng isang bansa, nasaang panig man ito ng mundo. Halimbawa nito ang kita ng mga Pilipino sa loob ng bansa, kasama ang mga overseas Filipino workers (OFW).