– Sa paksang ito, ating matutuklasan ang kahulugan ng salitang Globalisasyon. Kung ano nga ba ang silbi nito sa ating mga tao at sa mundong ating ginagalawan. Tara na’t ating alamin!
Ano nga ba ang Globalisasyon?
– Ang Globalisasyon ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon. Ito ay ang dahilan ng patuloy na pagliit ng mundo sa aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba pa.