– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Tara na’t ating simulan!
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
Ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay nagsimula sa nobelang Noli Me Tangere. Nang mabatid ng mga kastila ang tungkol sa nobelang ito ay nagalit ang mga sila. Nagkaroon ng banta sa buhay ni Rizal. Baon ang galit ng mga kastila ay nagpasiya si Rizal na isulat ang kanyang ikalawang nobela. Ito ang El Filibusterismo.
Ang El Filibusterismo ay isinulat ni Rizal sa Europa. Nagsimula ang kasaysayan ng El Filibusterismo matapos nakarating sa mga Kastila ang unang nobelang isinulat ni Rizal na “Noli Me Tangere”. Dahil dito, binantaan ng mga Kastila ang buhay ni Rizal.
Nakita ni Rizal ang epekto ng kanyang nobelang isinulat kaya pinatuloy nito ang kuwento at pinamagatang “El Filibusterismo“. Kaya naman, napuno ng galit ang mga Kastila at na pilitang umalis ng Pilipinas si Rizal at nag tungo sa Europa.
Sa dayuhang bansa tinapos ni Rizal ang kanyang nobela at ito’y naging inspirasyon ng mga Pilipino sa pag laban sa mga isyung lipunan na kanilang hinaharap.
Bukod dito, mayroong tampok na kuwentong pag-ibig rin na makikita sa El Filibusterismo. Ayon sa mga iskolar, ang pag-ibig na nasa nobela ay nanggaling sa inspirasyon ni Rizal sa pagmamahal nito kay Leonor Rivera.
Ngunit, sa kasaysayan ng El Filibusterismo, hindi naging madali ang pagpapalabas nito sa publiko. Nagkaroon si Rizal ng suliranin sa paglilimbag ng aklat dahil sa kakulangan ng pera pera.
Pero, pinahiram ito ng kanyang kaibigan na si Valentin Vola. Noong 1891, na tapos ni Rizal ang bagong nobela at ito’y inilimbag noong 1891 sa mga bahagi ng Hong Kong at Europa.