Tekstong Naratibo: Katangian, Elemento, Uri

Sa araw na ito ay ating pag-uusapan ang tungkol sa tekstong Naratibo. Ngunit bago ang lahat ay basahin nyo na muna ang kahulugan ng Teksto upang mas maunawaan ang ating topiko.

Ano ang Tekstong Naratibo?

Ito ay isang uri ng teksto na naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari o kaganapan. Ito rin ay tinatawag na tekstong nagsasalaysay. Ang maikling kuwento, kasaysayan, talambuhay, at iba pang mga tekstong naglalahad ng mga kuwento ay maituturing na Tekstong Naratibo.

Ito ay ang malayang pagkukuwento ng mga karanasan sa pang araw araw na nangyayari sa kanyang kapaligiran,mga nakita,namasid,napanood, o nasaksihan. Maaaring mahaluan ang pagsasalaysay ng paglalahad,paglalarawan, at pangangatuwiran.

Makikita sa isang tekstong naratibo ang sistematiko at maayos na paglalahad ng mga datos. Layunin ng
tekstong ito na magpahayag ng mga pangyayari nang may maayos na pagkakasunod-sunod at kung maaari ay sa hindi kabagot-bagot na pamamaraan upang mahuli ang atensiyon ng mambabasa. Layon din nitong makapaglinaw ng paksa sa pamamagitan ng pagdedetalye.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

Mga Elemento ng Naratibong Teksto

Paksa.

 Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.

Estruktura.

 Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estrukturang kuwento.

Oryentasyon.

 Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga Tauhan, lunan osetting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.

Pamamaraan ng Narasyon.

 Kailangan ng detalye at mahusay naoryentasyon ng kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakitaang setting at mood.

Diyalogo

– sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ngpag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyayari.

  • Foreshadowing

– nagbibigay ng mga pahiwatig o hintshinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sakuwento.

  • Plot Twist

– tahasang pagbabago sa direksiyon oinaasahang kalalabasan ng isang kuwento.

  • Ellipsis

– omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwentokung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno sanaratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.

  • Comic Book Death

-isang teknik kung saan pinapatayang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.

  • Reverse Chronology

– nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.

  • In medias res- nagsisimula ang narasyon sakalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
  • Deus ex machina (God from the machine)

-isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang ”ArsPoetica” kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sapamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isangabsolutong kamay.

Komplikasyon o Tunggalian.

 Ito ang mahalagang bahagi ngkuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago saposisyon at disposisyon ng mga tauhan.

Resolusyon

. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon otunggalian.

Uri ng tekstong naratibo

My dalawang uri ang tekstong naratibo. Ito ang pormal at di pormal.

Pormal-may seleksiyon at organisasyon

Di-pormal- simpleng kuwentuhang pang araw-araw

Porma ng Tekstong Naratibo

  • Pagsalaysay na nagpapabatid-kasaysayan,pakikipag-sapalaran, anekdota, kathang salaysay
  • Masining na pagsasalaysay-Alamat, parabula, maiklingkuwento, dula, nobela

Pananaw

Unang panauhan-personal ang tono

Ikatlong Tauhan-may distansiya

Mga Katangian ng Mabisang Tekstong Naratibo (Nagsasalaysay)

Nakakapukaw-pansin na pamagat

. Taglay nito ang pagigingmaikli, kawili-wili,kapana-panabik; may misteryo;orihinal;hindi katawa-tawa.

Ginagamitan ng Sanhi at Bunga.

 Angkop gamitin dito ang sanhiat bunga dahil sa pamamagitan nito ay mapagdudugtong-dugtong angmga pangyayari.

Tempo

Mainam rin na makita ang tempo (bagal o bilis) ng takbo ng mga pangyayari. Kailangang habaan ang pagsasalaysay para magbigay ng mas malinaw na paksa,kung hindi gaanong mahalaga,hindi na dapat habaan pa.

Punto ng Pagsasalaysay.

 Mainam ang pagbabalangkas sa pinupunto ng isasalaysay.

Ayos ng Pagsasalaysay

Hindi palaging kronolohiko o nakaayosng magkakasunod sunod ang pagsasalaysay. Nagiging malikhain at mapaglaro sa mga panahon ng paksang isinasalaysay sa pamamagitan ng pagsisimula sa gitna o sa hulihan o anumang estratehiyangmakakatutulong para maunawaan ang pagsasalaysay.

Kaisahan

 Taglay rin ng pagsasalaysay ang kaisahan ng mgakatangian ng tauhan, pook, at pagkakasunod-sunod ng mgapangyayari.

Kakintalan

Nagtataglay ng kakintalan ng tauhan angpagsasalaysay. Mga kapanipaniwala silang tauhan na maymotibasyon at kasaysayan upang maging buhay sa isip ngmga mambabasa at tagapakinig.

Kasukdulan

Pinakamataas ang kaigtingan ng pagsasalaysay angkasukdulan, ibinibitin ang pananabik ng mga mambabasa at mgatagapakinig bago tuluyang wakasan ang pagsasalaysay.

Wakas.

Marapat ding maihanda ang mga mambabasa o mgatagapakinig sa magiginng wakas ng salaysay. Nakasalalay rito kungmagiging kapani-paniwala ba ang isinasalaysay.