Sa araw na ito ay ating alamin ang tungkol sa parabula ng lapis. Tara at saba ysabay tayong matuto.
Ang Parabula ng Lapis ay tungkol sa isang Lapis na nilikha ng Manlilikha nito. At nagbigay ito sa kaniya ng mga tagubilin para sa kaniyang buhay bilang isang lapis. Mga tagubiling gagabay sa kaniya sa lahat ng bahagi ng kaniyang buhay bilang isang lapis. Ang mga tagubilin o gabay na ibinigay ng Manlilikha ng Lapis ay mayroon ding malalim na kahulugan para sa mga tao.
Ang Limang Tagubiling ibinigay sa Lapis at Aral na Mapupulot ng Tao:
- Una
Ang Lapis ay maka-gagawa ng kamangha-manghang mga bagay. Pero iyon ay mangyayari lamang kung siya ay magpapagabay sa Kamay na gagamit sa kaniya.
Kaya din gumawa ng kamangha-manghang mga bagay ang Tao gaya ng lapis. Iyon ay magiging possible kung mag-papagabay lang ang tao sa kamay ng Diyos na Lumikha sa kaniya. Ginagabayan niya ang tao sa pamamagitan ng kaniyang mga Kautusan at Gabay na ibinibigay.
- Ikalawa
Sa pana-panahon ay makakaranas siya ng masakit at makirot na pagtatasa sa kaniya. Iyon ay para sa ikabubuti din naman ng Lapis. Para maging isang mas mabuting Lapis.
Sa pana-panahong ang Tao ay makakaranas ng masasakit na mga pagsubok o suliranin, wika nga. Pero ang mga ito ay hindi dapat makahadlang sa kaniyang mga gawain o tunguhin. Tutulong ito sa kaniya na maging matatag, malakas, at mas mabuting tao.
- Ikatlo
Ang mga kamaliang magagawa man ng Lapis ay maaari pa din niyang maiwasto o maitama. Sa paggamit ng kaniyang pambura.
Ang Tao ay nakagagawa din ng mga pagkakamali kung minsan dahil sa pagiging di-perpekto. Pero hindi ito dapat maka-apekto sa tao. Ang mga pagkakamali ay maaari pa ding ituwid o itama.
- Ikaapat
Ang pinka-mahalagang bahagi niya ay ang Kaniyang kaloob-loobang bahagi. Ang tingga na nasa loob niya, na siyang dahilan kung bakit nakakasulat o nakakaguhit ang Lapis.
Ang pinka-mahalaganag bahagi ng Tao ay kung ano at sino siya sa kaloob-looban. Hindi mahalaga kung ano ang tao sa kaniyang panlabas na anyo.
- Ikalima
Saanman gamitin ang Lapis, magiiwan ito ng bakas o marka, dapat siyang magpatuloy lang sa kaniyang gawain.
Sa lahat ng gawin ng tao, mag-iiwan siya ng impresyon o bakas, wika nga. Mabuti man ito o hindi, mahalganag magpatuloy lang sa kaniyang tungkulin ang Tao.