Sa araw na ito ating tatalakayin ang Buod ng matanda at ang dagat. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Si Santiago ay pumalaot ng 84 na araw ng walang nahahalinang isda sa laot, ito ay itinuturing na “Salao”,ang pinakamasamang kaanyoan ng kamalasan. Napakamalas niya na ang kanyang batang aprendis na si Manolin ay pinagbawalan ng mga magulang nito na pumalaot kasama siya, sa halip, sinabihan si Manolinna sumama nalang sa mga magagaling na mangingisda. Binibisita ng batang lalaki si Santiago sa kanyangkubo bawat gabi, hila ang bingwit, pinaghahandaan niya si Santiago ng pagkain, nakikipagusap siya tungkolsa American baseball at ang kanyang paboritong manlalaro na si Joe DiMaggio.
Sumunod na araw,sinabihan ni Santiago si Manolin na siya ay maglalayag ng malayo patungong Gulf Stream, Hilaga ng Cubasa Straits ng Florida para mangisda, kumpyansa siya na ang kanyang kamalasan ay malapit nang matapos. Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, lumayag si Santiago gamit ang kanyang bangkapatungo sa Gulf Stream, inilagay ang kanyang mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kanyang painna isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang maihila ang malaking marlin, si Santiago ay sa halip hinila ng marlin.
Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak anglinya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang mahabaging pagpapahalaga niSantiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niyana walang sinuman ang karapat-dapat na kumain sa marlin, dahil sa matatag na karangalan nito.Sa ikatlong araw, nagsimula nang mag-ikot ang isda sa bangka. Kahit pagod at halos nahihibang na siSantiago, ginamit parin niya ang lahat ng kanyang natitirang lakas para hilahin ang isda papunta sa gilidnito para saksakin gamit ang salapang.
Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kanyang bangka paralumayag pauwi habang iniisip ang mataas na presyo na hatid ng isda sa kanya sa palengke at kung gaanokaraming mga tao ang kanyang mapapakain.Sa kanyang paglalayag pauwi, naakit ang mga pating sa dugo ng marlin. Pinatay ni Santiago ang isangmalaking mako shark gamit ang kanyang salapang, ngunit naiwala niya ang kanyang salapang. Gumawasiya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salaginang susunod na grupo ng pating; limang pating ang napatay at maraming iba ang napalayas. Ngunitpatuloy pading dumadating ang mga pating, at pagtakipsilim, halos naubos na ng mga pating ang buongkatawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos binubuo ng backbone, buntot at ulo nito. Sawakas nakaabot siya sa baybayin bago ang liwayway sa susunod na araw, pinagsikapan ni Santiago namakabalik sa kanyang kubo, habang pasan ang mabigat na poste ng layag sa kanyang balikat.
Pagdatingsa kanyang kubo, natumba siya sa kanyang kama at nakatulog ng mahimbing.Sumunod na araw, isang grupo ng mangingisda ang nagtipon sa paligid ng bangka kung saan nakatali angkalansay ng isang malaking isda. Sinukat ito ng isa sa mga mangingisda at nadiskubre nilang ito pala aymay taas na 18 talampakan mula ilong hanggang buntot. Ang mga turista sa kalapit na cafe ay inakalangito ay isang pating. Nag-alala si Manolin sa matanda, habang naiiyak na makitang siya pala ay ligtas nanatutulog. Dinalhan siya ng batang lalaki ng dyaryo at kape. Nang magising ang matanda, nag usap atpinangako nila sa isa’t isa na kasama silang mangingisda muli. Sa muling pagtulog niya, napanaginipan ni Santiago ang kanyang kabataan- mga leon sa isang beach sa Africa.