Sa araw na ito ating tatalakayin ang talumpati tungkol sa pagibig. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Gusto kong iburda at itugma ang damdaming namumutawi dito sa aking pusot isipan. At lapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso. Gusto ko din ikulong sa mga saknong ang mga alaalang ating pinagsaluhan sa bawat paghihirap na ating kinaharap at bawat sayang ating pinagsamahan. Ngunit Paano? Paano? Mga pangarap na nabuo sa ating munting pag-iibigan. Mga saya na ni minsa’y hinding hindi makakalimutan. At ang buhay na naging makulay ng ikaw ay dumating. Buhay na wari mo’y singkulay ng mga bahaghari. Bahagharing bumabagtas sa ating buong pagkatao gaya ng ating pag-ibig namakulay.
Mga problemang ating kinaharap at sabay nating nilampasan. At sinabing ‘kaya natin to basta’t tayo ay magkasama. Mula sa unang sinag ng araw hanggang sa pagngiti ng buwan tanging ikaw ang laman ng puso’t isipan. Mga pag-aaway at hindi pagkakaintindihan ay ating nararanasan. Ngunit kahit magkasamaan man tayo ng loob ang ating munting pag-ibig ay unti-unting yumayabong patungo sa pagmamahalang walang hangganan. Mga pangakong ating pinanghahawakan hanggang sa dulo. At pagmamahalang hindi magwawakas makarating man tayo sa buhay na walang hangganan.
Tadhana?Tadhana ang syang gumawa ng paraan upang tayo ay pagtagpuin. Basbas ng ,Diyos ang nagsilbing paraan upang mabuo ang ating munting pagmamahalan. Kay sarap balikan ang mga araw na pinapangarap pa lamang kita. Mga ngiti mong nagbibigay lakas sa aking pang-araw-araw na buhay. Pag-ibig natin ay kailanman hindi mawawala,hindi mauubos at hindi malilimot. Alaala nating ngumingiti at nagsasaya sa araw na tayo ay magkasama kay sarap balikan. Mga oras na tayo ay nagkukwentuhan, iyakan, kantahan ng love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan yan ang mga bagay na kay sarap alalahanin at sariwain. Mga palitan natin ng pick-up lines at banat nating wagas na syang nagpapakilig sa atin.
Pag-ibig? Pag-ibig kay sarap maramdaman. Ito ang pinakamakapangyarihan na binigay ng ,diyos sa buong sanlibutan. Tibok ng puso, tabig ng dibdib at salitang namumutawi sa ating mga bibig, ang nagsisilbing sign na tayo ay “InLove”. Gaya ng aking pag-ibig, may mga sari-sarili tayong paraan upang ito ay maipakita. May mga bagay na sabi nga ng iba “LOVE IS BLIND”ngunit para sa akin ang pagmamahal ay nararamdaman ng dalawang taong kayang tanggapin kung ano’t sino sila.
Wala sa edad,kasarian o estado ng buhay ang pagmamahalan. Kinakailangan lang natin ipaglaban at huwag susukuan ang pag-ibig na mabubuo. Pagmamahalang kay sarap ipagmalaki at isigaw sa buong mundo. Kaya sa pamamagitan ng makatang pamamahagi ko ng aking pagmamahal “Take a GOAL, Love your life and look forward to love someone.