Sa araw na ito ating tatalakayin ang talumpati tungkol sa kaibigan. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Sino nga ba sa atin ang nabubuhay ng walang kaibigan ointeraksiyon sa ibang tao? Mabubuhay ba ang isang tao ng mag-isa atwalang kasama sa buhay? Sabi nga nila “No man is an island”, Hindi mabubuhay ang isang tao kung wala siyang itinuturing na kaibigan namagmamahal at mag- aalaga sa kaniya.Kaibigan, sila yung mga taong nagsisilbi nating sumbungan kapagtayo ay naaapi at tagapakinig ng mga problema. Mga taong hindi moaakalaing magiging malapit sa’yo na parang totoong pamilya na angturingan.
Yung kahit na halos araw-araw kayong magkasama di ka pa rinnagsasawang kausapin sila, na kahit puro kakornihan lang yung lumalabassa mga bibig niyo. Yung nagkakaintindihan na kayo sa isang tinginan langat biglang mapapatawa dahil alam niyong parehong pareho yung pag- iisipniyo sa mga bagay bagay.
Ang pagkakaibigan ay parang ilog lang iyan; merong mabilis kumilos,may mabagal, may humihinto, may tuloy-tuloy at may naglalaho, maymababaw at may malalim, may maamo at mabangis din pero kahit iba-ibaman ang deskripsiyon nila pero yung sayo na meron kang halaga.
Minsan ko na ring natanong sa sarili ko, “Sino nga ba sa kanila angmga tunay kong kaibigan?” at “Paano mo ba malalamang tunay mo ngangkaibigan ang isang tao?
” Sa tingin ko matatawag mong tunay na kaibiganang isang tao kung sinasabi niya sa’yo ng tapat yung mga opinion niya at hindi yung gusto mong marinig, yung nirerespeto ka bilang isang kaibiganat magiging masaya para sa tagumpay mo imbes na mainggit. Sabi nga ni Chinkee Tan “ Ang buhay ay paikot-ikot lang –may mga oras na turn mo mag succeed, pero this time, oras naman nila kaya respect them and give them what they deserve.”