Sa araw na ito ating tatalakayin ang talumpati tungkol sa pandemya. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Isang makasaysayang araw saiyong lahat. Ako nga po pala si Jonnah Camille M. Lumansoc. Naririto ako at nakaharap saiyong harapan upang ibahagi sainyo angnaking talumpati. Sana’y maintindihan at maunawaan ang talumpating aking bibitawan. Simulan natin sa paksang aking bibigyang-pansin. Ito ang aking talumpati na hango sa paksang Pandemya Ating Labanan. Ang Covid-19 ay isang kalaban na hindi maaaring ma-stigmatized at dahil sa pandemya dulot nito, biglang nagulantang ang buong mundo.
Maraming tao ang nagdurusa, marami ang nawalan ng trabaho, maraming estudyante ang napahinto sa pag-aaral, at maraming frontliner ang nagbubuwis ng kanilang buhay upang labanan ang salot na kumakalat at sumisira sa ating mundo. Ang pandemyang ito ay kumitil ng milyon-milyong buhay. Pilit itong nilabanan ang virus, ngunit hindi nila nakayanan.
Covid-19, isang kalaban na hindi natin nahahawakan o nakikita. Isang malaking problema na kung saan nagbabago sa buhay ng maraming tao. Mahal ko ang aking bansang pinagmulan, ngunit sa panahon ngayong pandemya? Parang hindi ko na alam. Bansang Pilipinas na punong-puno ng mga mapanghusgang mamamayan.
Kaya hindi tayo umuulad, dahil ang iba’y hindi marunong makipagtulungan. Ngayong panahon ng pandemya imbis na tulungan ka ay huhusgahan ka pa. Konting karamdaman, sasabihin na nilang may Covid ka. Kung hindi natin alam kung paano pangalagaan ang iba, paano natin maiiwasan ang salot na ito? Lahat tayo ay dapat mag tulungan upang mapuksa ang ating kinatatakutan. Upang maligtas natin ang ating kinabukasan, ang mundo na ating inaalagaan.
Sa ating lahat nakasasalay ang maganda at maayos na kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Nakaranas na tayo ng malaking hamon, at nakaranas na din tayo ng matinding pagbabago ng panahon. Mga kapwa kong Pilipino, huwag tayo maging sakit sa ulo, ngunit dapat tayong maging responsible at magtulungan. Hindi sigurado kung kailan matatapos ang krisis sa pang kalusugan. Kung kaya’t kailangan maging bukas palad tayo sa kahit kanino man.
Kapag kaya natin tumulong, huwag tayong mag-atubiling magbigay ng tulong na maibibigay natin. Ang Covid-19 ay ating labanan upang maprotektahan ang ating sarili, kailangan lamang nating sundin ang mga patakaran ng gobyerno laban sa epidemya. Huwag tayong mawalan ng pag-asa, sapagkat ang Diyos ay naroroon at hindi niya tayo pababayaan. Ang paglutas ng pandemik na nararanasan natin sa buong mundo ay nakasalalay hindi lamang sa pagtuklas ng bakuna, kundi pati na rin sa tamang impormasyon sa pinagsamang mga hakbang upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.
Samakatuwid, ang pandemya na dulot ng Covid-19 ay mawawala kung ito ay ating lalabanan at susundin ang mga patakaran. Napagtagumpayan natin ang maraming pagsubok, susuko pa ba tayo? Kahit na ngayon, maaari tayong magsimula mula sa mga simpleng bagay, mula sa ating sarili, upang maprotektahan ang ating mga pamilya, mga komunidad, at maging ang buong mundo. Kapag isinabuhay natin ang kahit mga simpleng bagay, malaki ang magiging ambag nito sa ating mundo.
Huwag sana tayo maging pasaway lalo na sa panahon ngayon na may matinding krisis pang kalusugan na nararanasan natin hindi lamang sa ating bansa kung hindi ay pati rin sa buong mundo. Marami ang walang makain, bungad sa walang makapagkikitaan. Maraming tao ang natanggal sa trabaho dahil sa mababang kita. Ayuda, ayuda ang sigaw ng karamihan. Inaasahan nilang makakuha ng suporta mula sa gobyerno. Marami ang namatay dahil sa pandemya, at marami na rin ang namatay dahil sa walang laman ang sikmura. Marami sa atin ang puro reklamo.
Lahat nalang ng bagay puro sinisisi sa pamahalaan. Bagama’t simpleng patakaran hindi masunod. Kaya’t kailangan natin magkaisa. Lahat tayo ay may pagkukulang, huwag tayong magsisihan. Pahalagahan natin ang ating kalusugan at gawin itong susi upang mag kaisa ang bawat mamamayang Pilipino sa pag laban sa pandemya. Ating patunayan na sa panahonng pandemya, ang pagtutulungan at aalaga sa isa’t isa ang susi isa bagong pag-asa. Ngayong may pandemya, gamitin natin ang ating kaalaman, at makabagong teknolohiya upang maghatid ng kamalayan.
Ang pagtutulungan ay maaaringmagbigay sa atin ng pag-asa upang maipaglaban natin ang kumalat na epidemya. Tayo ang mag hatid ng bagong pag-asa sa ating kapwa. Sumunod tayo, simpleng bagay lang naman ang ating gagawin. Ang bakuna ang isa sa mga susi upang agapin natin ang pandemya. Sa pag suot ng face shield, face mask, panatilihingmaghugas ng maigi sa kamay, iwasan ang paglabas sa bahay kung hindi namankinakailangan at huli sa lahat ugaliing dumistansya sa bawat isa. Kung ang lahat ay nagkakaisa at nagtutulungan, walang problema na hindi malulutas. Ang pandemya ay ating labanan, kaya natin ito.