Ang mga salawikain o tinatawag na proverbs sa wikang ingles ay binubuo ng mga parirala na karaniwan ay nasa anyong patula na kung saan ito ay nagbibigay ng gintong aral. Ang mga salawikain ay nagmula pa sa payo o pahayag ng ating mga ninuno batay sa kanilang sariling karanasan sa buhay.
Ginagamit ito sa isang pangungusap o pahayag upang bigyang-diin ang isang kaisipan o punto. Ito ay isang maikling pangungusap na makabuluhan at kapaki-pakinabang kung gagamitin bilang gabay sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa kabutihang asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.
Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.
Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan ay naging bahagi na ng ating kulturang pangwika, lalo na yong mga sinulat at binigkas ng mga dakila nating mga bayani at mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karaniwan na nating nababasa sa mga aklat at ginagamit bilang pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.
Halimbawa ng mga Salawikain
Pindutin ang mga links sa baba upang mabasa ang mga halimbawa ng Salawikain sa bawat Kategorya.
- Salawikain Tungkol sa Buhay
- Salawikain tungkol sa Edukasyon
- Salawikain tungkol sa Pamilya
- Salawikain tungkol sa Kabataan
- Salawikain tungkol sa Wika
- Salawikain tungkol sa Kaibigan
- Salawikain tungkol sa Paggalang
- Salawikain tungkol sa Kalikasan
- Salawikain tungkol sa Kalusugan
- Salawikain tungkol sa Katapatan
- Salawikain tungkol sa Pag-ibig
- Salawikain tungkol sa Tagumpay
- Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain
.
Comments are closed.