Ating alamin sa araw na ito ang pabula ng kabayo at kalabaw. Tara na at sabay sabay tayong matuto. May isang mag sasaka na gustong lumipat ng lumipat ng tirahan, kaya dalidali niyang inayos ang kanyang mga gamit. Pagkatapos niyang mag ayos ng gamit isinabit na ng mag sasaka ang mga ito sa alagang kabayo at kalabaw.
Maaga palang ay sinimulan na nila ang mahabang pag lalakbay. Makalipas ang ilang oras nakaramdam na ng pagod at panghihina ang kalabaw kaya kinausap niya ang kaibang kabayo.“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang aking pasan pasan kesa sayo. Pwede mo ba akong tulungan at pasanin yung iba?” pakiusap ng kalabaw.“Aba, iyan ang inilagay ng amo natin sayo eh kaya pag tiisan mo yan” sagot ng kabayo at binilisan pa ang pag lalakad.
“Parang awa mo na tulungan mo na ako. Hinang hina na ako sa bigat ngaking dala. Alam mo namang pag gantong mainit ang panahon kailangan kong maglublob sa ilog dahil mabilis mag-init ang aking katawan”. Pakiusap padin ng kalabawsa kabayo.“Bahala ka dyan kaya mo na yan”. Naiinis na tugon ng kabayo. Makalipas pa ang ilang oras mas tumindi pa ang init kaya hinang hina na talaga ang kalabaw, at ito”y pumanaw.
Nang makita ng amo ang kalabaw dali-dali niyang kinuha ang mga gamit na nakalagay sa kalabaw at inilipat kay kabayo.“Kung tinulungan ko sana si kalabaw edi sana hindi gantong kabigat ang pasan ko at hindi ako nahihirapan”. Pag sisising pabulong ng kabayo.
Mabuting Aral “Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.”