Pabula: Ang pagong at ang kalabaw

Ang Pagong at ang Kalabaw ay isang halimbawa ng Pabula. Tunghayan ang kwento sa ibaba.

Ang pagong at ang kalabaw

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “Hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”

Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang- api. Minamaliit mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. “Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.”

“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” pakutyang sambit ng kalabaw.

“Bukas ng umaga, sa ding ito,” ang daling sagot ng pagong.

Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.

Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya sa karera” O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng kaiabaw.

“Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na iyon ay siyang panalo,” sabi ng pagong.

Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok.” Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.

Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina at maliit na pagong.

Bakit laging nag-aaway ang aso, pusa at daga

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo’y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kaniā€¢kanilang mga suliranin. Subali’t ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay.

“Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa.” bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan niya ang asc sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo niya ito.

Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga nguni’t hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya’t ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likods ng bahay.

“Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto.” bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa’t isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa naman ay di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi namang makikita ng pusa ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa.

Basahin ang Iba Pang Halimbawa ng mga Pabula:

  • Ang pagong at ang kalabaw
  • Ang magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
  • Ang matalinong matsing at ang buwaya
  • Ang unggoy at ang Pagong
  • 2 thoughts on “Pabula: Ang pagong at ang kalabaw”

    Leave a Comment