Sa araw na ito ating alamin ang pabula ng lobo at kambing. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upangmaka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon atnarining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito salobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.”Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.””Papaano?” Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas,” pangako nito.”Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang kambing namagpapaloko.”Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
Aral sa Lobo at Kambing na Pabula
Ang aral ng pabula ay na dapat tayong maging matalino at mapanuri sa mga desisyon at paniniwala natin. Hindi tayo dapat basta-basta maniniwala sa mga sinasabi ng ibang tao lalo na kung may masamang intensyon sila sa atin.
Dapat din tayong maging maingat sa mga mapagpanggap at mapaglinlang na nais lamang tayong gamitin o samantalahin. Ang pabula ay nagpapaalala sa atin na ang pagkakaroon ng karunungan at katalinuhan ay mahalaga sa pagharap sa mga hamon at suliranin sa buhay.