Ano ang Birtud?

– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Birtud o ang lohikal na kaisipan ukol sa salitang ito. Tara na’t sabay sabay nating alamin!

Ano nga ba ito?

– Ang Birtud ay galing sa wikang Latin na vitrus. Ang ibigsabihin nito ay “pagiging tao”. Kaya naman sa mga birtud ay nakikita ang pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay nangangahulugang pag sang-ayon sa moral at prinsipyong etiko. Ang mga ito ay mga bagay na nakabase sa kung anong tama at makakabuti sa ating sarili at sa ating mga kapwa. Isa itong kaugalian o katangian na partikular na natututunan sa ilalim ng pananampalatayang Kristyanismo.

DALAWANG URI NG BIRTUD

1. Intelektwal na Birtud

– Ito ay tumutukoy sa isip ng tao o kaalaman.

Halimbawa:

  • Pag-unawa (Understanding)
  • Agham (Science)
  • Karunungan (Wisdom)
  • Maingat na Paghuhusga (Prudence)
  • Sining (Art)

2. Moral na Birtud

– Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao.

Halimbawa:

  • Katarungan (Justice)
  • Pagtitimpi (Temperance or Moderation)
  • Katatagan (Fortitude)
  • Maingat na Paghuhusga (Prudence)