Ano ang Entitlement Mentality?

– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ba ang kaisipan sa likod ng “Entitlement Mentality”. Tara na’t sabay sabay nating alamin!

Ano nga ba ito?

– Ito ay isang uri ng kaisipan kung saan iniisip ng mga tao na ang pribilehiyo na kanilang tinatamasa sa kanilang buhay rito sa mundong ibabaw ay mga karapatan nila bilang isang tao. Inaasam ng mga tao na may entitlement mentality na kailangan nila nang agarang pansin pagdating sa kanilang mga tinatawag na karapatan. Bukod pa dito, ang kawalan o kawalang-interes sa anumang bagay na nakamit ng indibidwal ay maaaring maiugnay sa “entitlement mentality,” na naniniwala na kung ano ang nakuha niya ay dapat bayaran at hindi siya dapat magpasalamat sa mga nagbigay nito sa kanya.

Halimbawa:
– Kawalan ng pasasalamat ng mga bata sa pagsakripisyo ng kanilang mga magulang. Makikita natin ito sa pagtulak sa edukasyon ng kanilang anak o mga anak dahil naniniwala silang responsibilidad ng kanilang mga magulang na bigyan sila ng edukasyon.

– Mga taong hindi naniniwala na dapat purihin ang mga “frontliner” ng Covid – 19 na panahon ngayon dahil ito raw ay kanilang “obligasyon”.

– Mga taong hindi naniniwala na kailangang purihin ang mga militar na namatay sa gera dahil ito ang kanilang trabaho na protektahan ang ating bansa.