– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaugnayan ng konsensya sa likas na batas na moral. Atin nang palawakin ang ating kaalaman ukol sa paksang ito. Tara! Sabay sabay nating alamin!
ANO ANG KAUGNAYAN NG KONSENSYA SA LIKAS NA BATAS NA MORAL
– Ang konsensya at batas na moral ay may kaugnayan sa isa’t isa dahil ito ay nagsisilbing gabay sa mga tao na gumawa ng aksyon na nasa tama at ito rin ay nagbibigay ng aral sa mga tao tungkol sa moralidad. Ang dalawang ito ay may parehong layunin na makagawa ng tamang pasya at kilos at mapalaganap ang kabutihan ng bawat indibidwal. Kasama na rito ang pag isipang mabuti ang kilos na gagawin ng tao batay sa kanyang konsensya at kung tama ba base sa batas na moral.