-Sa paksang ito, ating pag aaralan ang kahulugan ng Komunikasyon at mga Antas nito. Tara na’t palawakin ang ating kaalaman.
Ano nga ba ang Komunikasyon?
-Ang komunikasyon ay isang bagay na labis na kailangan ng tao upang maging ganap ang kanyang buhay sa mundo. Ito ay sa paraan ng pakikipag usap, paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga tao. Sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang kahalagahan ng buhay at nailalabas niya ang kanyang saloobin ukol sa isang isyu.
MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal
-Ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito’y tumutukoy sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
2. Interpersonal
– Ito ay ang pakikipagusap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.
3. Pampubliko
– Ito ay ang pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko na nagkaroon ng talumpati sa madla.
4. Pangmasa
-Ito ay katulad lamang ng pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop.
5. Pangorganisasyon
-Ito’y komunikasyong nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat.
6. Pangkultura
-Ito ay tumutukoy sa komunikasyon tungkol sa kultura.
7. Pangkaunlaran
-Ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.