Antas ng Wika

ANTAS NG WIKA

Ang Wika ay may ibat-ibang antas. Isa ito sa mga mahahalagang katangian ng Wika.

Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t-ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay mabisang palatandaan kung anong uri ng tao tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.

Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang sa gayo’y maibabagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.

Basahin: Kahalagahan ng Wika

Mga antas ng Wika

A. Pormal

Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo nang nakapag-aral ng wika. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: Pambansa at Pampanitikan.

  1. Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan
  2. Pampanitikan – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan, mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining

B. Impormal

It ang mga salitang karaniwan, palasak at pang araw-araw na madalas natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala. Ito naman ay nahahati sa tatlo: Lalawigan, kolokyal at balbal.

Lalawigan

Lalawiganin – mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan na kadalasa’y makikita rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono.

Ito din ay salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.

Halimbawa:

adlaw (araw)
balay (bahay)
babaye (babae)

Kolokyal

Kolokyal – mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal at maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari  rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita  nito.

Ang mga pagpapaikli ng isa, dalawa o mahigit pang salita ay mauuri rin sa antas n ito. Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kalian), meron (mayroon)

Balbal

Balbal – tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes

Ito ay salitang kalye o pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan

Mga Halimbawa ng balbal:

lespu (pulis)
epal (mapapel)
chibog (pagkain)

Comments are closed.