Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere .
Mga Tauhan sa El Filibusterismo
*Simoun – Ang mapagpanggap na mag-aalahas na
nakasalaming may kulay
* Isagani – Ang makatang kasintahan ni Paulita
* Basilio – Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
* Kabesang Tales – Ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin
ng mga prayle.
* Tandang Selo – Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
* Ginoong Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan
ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan
nila
* Ben-zayb – Ang mamamahayag sa pahayagan
* Placido Penitente – Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan
* Padre Camorra – Ang mukhang artilyerong pari
* Padre Fernandez – Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
* Padre Florentino – Ang amain ni Isagani
* Don Custodio – Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
* Padre Irene – Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
* Juanito Pelaez – Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila
* Makaraig – Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
* Sandoval – Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
* Donya Victorina – Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin
ni Paulita
* Paulita Gomez – Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
* Quiroga – Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
* Juli – Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
* Hermana Bali – Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
* Hermana Penchang – Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
* Ginoong Leeds – Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
* Imuthis – Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi.
Basahin: Buod ng El filibusterismo
Comments are closed.