Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
Elemento ng Sanaysay
May anim na elemento ang Sanaysay, ito ay ang Pamagat, Thesis, Organisasyon, Pasimula, Katawan at Konklusyon.
A. Pamagat (Title)
Ang pamagat ay nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, at nakakatulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
B. Thesis
Ang thesis ay ang masasabing “punto” ng sanaysay; kung ano ba ang nais na ipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunit malaman ito. Maari itong maglaman ng argumento upang maging epektibo ang sanaysay. Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng sanaysay.
C. Organisasyon
Ang organisasyon ay Kung paano ba naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Sa pagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula sa umpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ng mambabasa kung anong nais mong sabihin.
D. Pasimula (Introduksyon)
Ang pasimula o introduksyon ay unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman nito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang thesis.
E. Katawan (Body)
ANg katawan o tinatawag na body ay mga sumusoportang talata sa thesis. Naglalaman ito ng mga punto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.
F. Kongklusyon (Conclusion)
Ang konklusyon ay ang buod o ang lahat ng laman ng sanaysay. Hindi katulad ng pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito nais isaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.
Mga Kilalang Manunulat ng Sanaysay
- Fr. Jose Burgos
- Pedro Paterno
- Jose Rizal
- Marcelo H. Del Pilar
- Graciano Lopez – Jaena
- Antonio Luna
- Andres Bonifacio
- Emilio Jacinto
- Apolinario Mbaini
- Trinidad Pardo de Tavera
- Teodoro M. Kalaw
- Claro M. Recto
- Fernando Maramag
- Maria Paz Mendoza Guanzon
- Teodoro A. Agoncillo
- Nick Joaquin
- Renato Constantino
- Carmen Guerrero-Nakpil
- Kerima Polotan
- Genoveva Edroza – Matute
- Alejandro Abadilla
- Rogelio Sicat
- Virgilo S. Almario
- Lamberto E. Antonio
Comments are closed.