Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa Lipunang Pilipino

– Sa paksang ito, pag uusapan natin ang kahalagahan ng isang mamamayan sa lipunan. Gaano ba ito kahalaga? Tara na’t sabay sabay nating alamin!

GAANO NGA BA KAHALAGA ANG ISANG MAMAMAYAN SA LIPUNANG PILIPINO?

Ang isang lipunan ay binubuo ng mga mamamayan, at ang bawat mamamayan ay may silbi o halaga o importansya sa lipunang ginagalawan nito. Ang mga mamamayan ang may pinakamalaking responsibilidad upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng isang bansa.

Ang bawat mamamayan ay may papel na ginagampanan sa komunidad. Ito ay maaaring tumutulong upang makapagbigay ng kabuhayan, o hindi kaya’y ito ay nakakapagbigay proteksyon, aksyon, at solusyon sa loob ng lipunan. Lalo na’t kapag ang mamamayan ay aktibo. Dahil siya ay nag-uugnay sa mga tao, sumusuporta sa kanila na paunlarin ang kanilang mga kasanayan at kaalaman upang makabuo sila ng isang mas patas at mas matatag na lipunan.

Sa mga mamamayan din nagsisimula ang malaking pagbabago ng isang lugar. Kung sama-sama ang pagkilos nila at pagsuporta sa isang uri ng panukala, tiyak ang kaayusan at katahimikan ng isang bansa.