– Sa paksang ito, makikita natin ang ilan sa mga halimbawa ng Palaisipan. Tara na’t sabay sabay nating alamin.
Bago tayo magtungo sa mga halimbawa, ating balikan ang kahulugan ng Palaisipan.
– Ang Palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Halimbawa ng Palaisipan:
– Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC
– Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo
– May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?
Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw
– Hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako
Sagot: Telepono/Cellphone
– Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?
Sagot: Side Mirror