– Sa paksang ito, mas mauunawaan nating ang kahulugan ng Talumpati dahil sa halimbawa na nakasaad dito. Tara na’t ating palawakin ang ating kaisipan. Simulan na natin!
1. Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral
Isinulat ni: Mary Jane Tarucan
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.
Ngayun na 2nd year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.
2. Sandalan
Isinulat ni: Unknown
Mayroong kasabihan na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig o sa ingles ay blood is thicker than water. Simula sa pagkamulat ng ating musmos na kaisipan, pamilya natin ang mga nasa tabi natin.
Andiyan sina tatay, nanay, kuya, ate at si bunso. Kahit na salat tayo sa buhay kung kumpleto, malusog, at masaya ang ating pamilya ay masasabi natin na bukod na tayong pinagpala.
Ang buhay ng isang pamilya ay sadyang puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung minsan ay nagpapatumba sa atin at nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng ating mag-anak.
Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan,
kahit na sabihin pa nating iisang dugo lang ang nanalaytay ating mga ugat. Ngunit kahit ano pa man ang mangyari, sa oras ng kagipitan ay hinding-hindi natin matitiis ang tumulong sa ating mga kapamilya.
Sa bawat tagumpay na ating narating o natamasa sa ating buhay, hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan kung wala sa tabi mo ang iyong pamilya.
Mga pamilyang nagbibigay ng inspirasyon upang tayo ay magpunyagi at lumaban para makamit ang tagumpay na minimithi. Palaging may kulang sa ating pagkatao kung wala ang mga pamilya mo sa tabi mo.
Iba ang kasiyahang hatid ng mayroong pamilya na alam mo na aalalay sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Masarap magkaroon ng mga taong alam mo na magmamahal at iintindi sa iyo ng walang hinihintay na anumang kapalit.
Higit sa lahat, masaya ang magkaroon ng mga taong alam mo na kahit ano pa ang mga pinagdaanan ninyo na hindi maganda noon ay sila pa rin ang iyong magiging huling kanlungan.
Mahalin natin at bigyang halaga ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga magulang. Dapat pagtanda nila ay ipadama natin sa kanila ang kalinga na ibinigay nila sa atin noong tayo ay mga bata pa. Sa unti-unnting pagkaubos ng kanilang mga lakas, akayin natin sila gaya ng pag-akay nila sa atin mula pa sa unang paghakbang natin.
3. Kalikasan, Ating Pangalagaan!
Isinulat ni: Percy
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?
Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.
Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay unti-unti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.
Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.
Ikaw, bilang mamamayan, ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?