– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga detalye ukol sa Ideolohiyang Pangkabuhayan. Atin nang palawakin ang ating mga isipan sa diskusyon na ito. Tara na’t simulan na natin!
Ano nga ba ang Ideolohiyang Pangkabuhayan?
– Ito ay mga paniniwala sa kung paano dapat ang istruktura ng isang ekonomiya. Ito ay nakapokus sa mga patakaran na magpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Sa ideolohiyang pangkabuhayan, tinatalakay din ang wastong pagbabahagi ng mga kayamanan sa mga mamamayan. Nakapaloob sa talakayang ito ang karapatan ng mga mamamayan na makapagtayo ng negosyo, mamasukan, makapagbuo ng samahan, at ang karapatan ng mga manggagawa na magreklamo sa mga kapitalista.
SISTEMANG PANG EKONOMIYA:
Capitalism
– Ang kapitalismo na siguro ang pinakasikat na sistemang pangekonomiya ngayon dahil halos lahat ng bansa ay ginangamit ang sistemang ito sa kani-kanilang mga bansa. Pero may iba’t ibang ideolohiya sa ilalim ng kapitalism
- Laissez-faire – sa ideolohiyang ito, naniniwala sila na hindi dapat makialam masyado ang gobyerno sa usapang pang merkado. Dapat ay may bukas na kumpetisyon sa merkado at ang merkado ang magdedetermina ng presyo, produksyon at suplay sa pamamagitan ng supply and demand.
- Social market – kagaya din ito ng nasa taas pero ang kaibahan ay gusto ng social market na gumawa ng mga polisiyang pang pamayanan ang mga gobyerno ukol sa social insurance (gaya ng SSS, GSIS), unemployment benefits (meron din nito sa SSS) at ang pagkilala sa mga karapatan ng manggagawa.
- Casino capitalism – ito ang ideolohiyang mas nakatututok sa pagpapalago ng mga paper assets – kagaya ng mutual funds, stock market, REITs at kung ano pang hindi nakaugnay sa mga aktwal na produkto gaya ng ginto at produksyon o serbisyo.
- Neo-capitalism – ito ay idelohiyang parang social market din pero mas malakas at malawak ang papel ng estado bilang tagapangalaga at prodyuser. Hindi rin sila ganun kabilib sa mga pribadong prodyuser na mapunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Fascism
Ang pasismo naman ay paniniwala kung saan ang tubo sa mga negosyo ay pwedeng pakinabangan ng mga indibidwal pero ang pagkalugi ay dapat paghatihatian ng lahat sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya sa mga kumpanyang nalulugi. Karaninwang may mga bilateral agreement at trade ang mga ekonomiyang naniniwala sa pasismo at ang mga kasunduang ito ay may kaakibat din na matataas na buwis.
Socialism
Sa socialism naman may tinatawag na social ownership ng modo ng paggawa at sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga tao. Sa socialism pwedeng magdikta ng presyo ang gobyerno. Sa ideolohiyang ito, malaki ang kontrol ng gobyerno sa merkado.
Communism
Ang komunismo naman ay isang ideolohiya na kung saan sinasabi nila na ang socilism ay naging automatic na at hindi na kailangan ng kontrol ng gobyerno. Ang mga modo ng produksyon at mga resources ay pag-aari na ng mga tao sa isang collective na paraan.