Kabihasnang Tsina

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga karagdagang detalye ukol sa Kabihasnang Tsina. Tara na’t sabay sabay nating alamin!

– Ang pangalan ng bansang Tsina ay nagmula sa salitang Chin. Ito ay hango sa pangalan ng kanilang ika-apat na dinastiya kung saan ay nagkabuklod ang mga Tsino. Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.  

Matatagpuan ang Tsina sa Silangan ng Asya. Pinaliligiran ito ng Disyerto ng Mongolia sa may hilaga, dagat Tsina naman sa timog, Dagat Pasipiko sa may silangan at Kabundukan ng Himalaya at Tibet sa may kanluran. Malawak ang lupain ng Tsina. Ito ay may 9,560,980 kilometrikong parisukat. Sa kasalukuyan, ito ay may populasyon na 1.38 bilyon. Pinakamalaki ito sa buong Silangang Asya.

Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino

Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.

ANO NGA BA ANG KANILANG AMBAG?

ITO ANG ILAN SA MGA AMBAG NG KABIHASNANG TSINA:

  1. Kaligrapiya – sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong panlarawan
  2. Ancestral Worshipping – Pagbibigay alaala sa ating mga yumaong ninuno at pagbibigay alay
  3. Paggamit ng bronze, jade, porselana at ivory
  4. Paggawa ng dike, kalsada at mga irigasyon
  5. Paggamit ng crossbow o pana bilang sandata sa pakikidigma
  6. Paggamit ng wood block printing
  7. Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism
  8. Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan
  9. Mga matatalinong prinsipiyo at pilosopiya sa buhay
  10. Paggamit ng pulbura para sa mga pailaw at bala ng baril