– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng Pambansang Pamahalaan. Tara na at ating alamin!
Bakit nga ba ito mahalaga? Ito ang ilan sa mga rason:
- Pangangasiwa ng pamumuno sa isang bansa.
- Nagpapatupad ng mga batas para sa ikabubuti ng mga tao at ikasasaayos ng lipunan.
- Nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bansa.
- Para sa katiwasayan at kapayapaan ng mga tao.
- Pagpapatayo ng mga imprastraktura kagaya ng mga tulay, kalsada o daanan, LRT, MRT, flyovers, skyways, paliparan, railroads, pier o daungan at iba pang proyekto na kailangan ng mga mamamayan sa araw-araw.
- Pagpapagawa ng mga paaralan para magbigay ng libreng edukasyon at pamilihan o mga palengke para sa kabuhayan at pangangailangan ng mga tao.
- Pagpapatupad ng mga batas at pagparusa sa mga suwail na ayaw sumunod dito. Sa pamamagitan nito, napapanatili ang maayos at ligtas na pamumuhay ng mga tao ng isang bansa. Ang mga batas din ang gumagabay sa tao.
- Pagpapatayo ng mga ospital, health centers, programang pangkalusugan, at iba pang serbisyo medikal na mahalaga sa mamamayan para mapanatili ang kanilang magandang kalusugan lalo na sa mga mahihirap at sa mga tao ng komunidad sa liblib na lugar.
- Pagtulong sa mga tao sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol, sunog, at mga bagyo.
- Pagbigay ng patas at walang kinikilingan na hustisya.
- Magbigay ng trabaho sa mga mamamayan.