Kolokyal

– Sa paksang ito, ating madidiskubre ang mga impormasyon ukol sa Kolokyal. Ano nga ba ito? at ano ano ang mga halimbawa na tumutukoy dito? Tara na’t ating alamin.

Ano nga ba ang Kolokyal?

– Ito ay tumutukoy sa mga salitang impormal. Ito ang mga salita na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap. Ito ay mga salita o grupo ng salita na pinaiksi.

Halimbawa:

  • Nasaan – nasan
  • Paano – pano
  • Sa Akin – sakin
  • Kailan – kelan
  • Kamusta – musta
  • Ganoon – ganun
  • Puwede – pede
  • At saka – tsaka
  • Kuwarto – kwarto
  • Pahinge – penge
  • Mayroon- meron