Kwento ng “Ang Ama” (Tauhan at Tagpuan)

– Sa paksang ito, ating kilalanin ang mga tauhan kwentong “Ang Ama” pati na rin ang tagpuan kung saan naganap ang kwentong ito. Tara na’t ating alamin!

Ang kwento na ito ay umiikot sa ama na labis na nag malupit sa kanyang asawa at mga anak,sa kalaunan naman ay nagsisi sa kanyang nagawa. Ito ay nagsasalamin sa mga posibleng mangyari sa isang pamilya kapag ang isang miyembro nito ay na lulong sa bisyo. Kaya naman, ang kuwento ay maaring gawing babala para sa mga magulang na ito ay maaring mangyari kung ang bisyo ay hindi pa titigilan.

Sino nga ba ang pangunahing tauhan sa kwentong ito?

– Ang Pangunahing tauhan sa kuwento ng Ang Ama ay ang Ama at si Mui Mui.

Katangian ng ama sa kwentong ang ama

  • Lasinggero
  • Mahirap
  • Nanakit  o sinasaktan ang kanyang asawa at anak.
  • Isang amang marahas at malupit

Naging katangian ng ama sa katapusan ng kwento

  • Siya ay nagsisi
  • Naging mabait
  • Naging mapagmahal
  • Nagbago
  • Naging isang mabuting ama

Si Mui Mui sa kwentong ang ama

  • 8 taong gulang
  • Payat
  • Sakitin
  • Mahilig humalinghing na parang kuting

TAGPUAN

Ang mga tagpuan sa kwentong ito ay:

  1. Ang Bahay ng Mag-anak
  • Ang Bahay ng mag-anak madalas nagaganap ang mga pangyayari sa kwento. Dito rin naganap ang pananakit ng ama sa kanyang mga kabataan, lalo na sa bunsong anak niyang si Mui Mui. Dahil sa pananakit ng kanyang ama, dito rin ibinurol si Mui Mui.

2. Sementeryo

  • Ang Sementeryo naman ay halos isang kilometro ang layo sa kanilang bahay. Dito inilibing si Mui Mui matapos siya namatay.

3. Bayan

  • Ang bayan naman ay kung saan namimili ang mga tao sa kanilang lugar. Dito rin namili ang ama para sa mga alay sa kanyang anak na namatay.